Linggo, Hulyo 24, 2011

Ang Aking Pamilya

Siguro, hindi na ako makakakita pa
Ng pamilyang kasimbuo ng isang tula,
Yung sama sama ang mga talinghaga
Sa hirap man o sa ginhawa

Yung kapag binabasa mo’y kumakanta
Sa sala’y naglalaro’t nagpapatawa
May pag-ibig na nadarama
Sa bawat pahayag o taludtod nya.

Yung hindi kayang ilipad ng hangin
Ang kanyang himig o adhikain
May bagyo man o may rilim
Matatag, umiindayog pa rin.

Yung ang mga salita ay may bisa 
Sa isip at galaw ng mga bata
May paggalang sa mga matatanda
Mga kapitbahay at mga bisita.

Pero ako ay nalulungkot
Panahon nati’y iba ang ikot
Sa mga mataka ay may dulot
Na paglayo at pagkalimot


 Ang Aking Pamilya ay ang pinakamahalagang bagay na hindi ko ipagbibigay kahit kanino man. Sila ang aking kayamanan, sila ang aking buhay, sila ang aking pag-asa. Katulad din ng ibang pamilya, nakakaranas din kmi ng mga pagsubok sa buha.
Ang aking ina ay si Marsha Simplina, isang mabait na ina. ginagawa ang lahat para sa pamilya. nagibang bansa upang matustusan ang aming pag aaral.
Ang aking ama ay si Edward Simplina, isang maalagang ama, hindi kami pinapabayaan, ang aming ina habang nasa ibang bansa ang aking ina. Saludo ako sa iyo aking ama. ipinagmamalaki kita.
At ang aking mga kapatid na sina Ellyzha Mae Simplina at Ellyz Simplina ang mga pinakamamahal kong kapatid, kahit minsan hindi kami magkaintindihan kaming tatlo.
               

1 komento: